ANG ALAMAT NG MINDANAO
Si Sultan Kumpit ay isa sa mga
naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay matalino nguni't ang mga Muslim ay takot sa kanya
dahil sa siya raw ay masungit. Ang sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga.
Ang pangalan niya ay Minda.
Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng prinsesa
ay marami ang nanliligaw dito. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu at
prinsipe ng iba't ibang pulo. Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may
kani-kaniyang katangian kung kaya't nagpasiyang magbigay ng tatlong pagsubok si
Sultan Kumpit. Ang mananalo sa tatlong pagsubok na ito ang siyang mapalad na
makaka-isang dibdib ng kanyang anak.
Ang unang pagsubok ay kung sino ang makapagsasabi ng
kasaysayan ng kanyang angkan hanggang sa ikasampung salin nito. Ang ibig
sabihin nito ay kung sino at ano ang naging buhay ng ama, nuno, ama ng nuno,
nuno ng nuno at mga kanunununuan hanggang sa ikasampung salin.
Ang ikalawang pagsubok naman ay kinakailangang malagpasan
ang kayamana ng hari upang maging daan patungo sa ikatlong pagsubok. Nguni't
ang higit na mayaman ang siyang magmamay-ari ng kayamanang natalo.
Marami ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok. Isa
na rin ang kilalang si Prinsipe Kinang. Siya ay nakapasa sa unang pagsubok
nguni't natalo sa ikalawang pagsubok sapagkat ang kanyang tatlong tiklis na
ginto ay nahigitan ng apat natiklis na ginto ng hari. Lalong yumaman si Sultan
Kumpit. Alam ng lahat na marami pang ginto si Sultan Kumpit at ngayon nga ay
nadagdagan pa ng tatlong tiklis na tinalo kay Prinsipe Kinang.
Isang matalinong prinsipe ang nais na sumubok. Ngunit bago
niya ito gawin ay nag-isip siyang ma buti kung papaano niya matatalo ang
kayamanan ng Sultan. Nanghiram siya ng ginto sa kanyang mga kaibigang maharlika
hanggang sa makatipon siya ng labintatlong tiklis ng ginto.
Nagbihis at nag-ayos ng buong kakisigan si Prinsipe Lanao.
Una niyang nakausap si Prinsesa Minda. Sa unang pagkikita pa lamang ay
sumang-ayon agad ang prinsesa sa binatang prinsipe. Lihim na natuwa ang puso ni
Prinsipe Lanao sapagkat nasiguro niyang may pagtingin din sa kanya Prinsesa.
"O, ano ang masasabi mo sa iyong angkan?" ang
unang pagsubok ng sultan kay Lanao. Mabilis na isinalaysay ni Lanao ang kanyang
lahi ngunit muntik na itong mabuko sa ikasampung salin. Nakaisip siya ng
pangalan at nag-imbanto ng kagitingan nito. Laking pasasalamat niya nang siya
ay makapasa sa unang pagsubok. Sa ikalawang pagsubok ay, "Ilang tiklis na
ginto ang dala mo, Mayroon akong pito, iyon ba ay iyong mahihigitan? ang
pagmamalaking tanong ng sultan.
"Mayroon akong labintatlong tiklis ng ginto rito ngayon
nguni't kung kulang pa ito ay handa akong, ilabas ang mga nakatago pa sa aming
kaharian," ang tugon ni Prinsipe Lanao.
"Hindi na bale, iyo na ang pitong tiklis ko. Ganito
naman ang ikatlong pagsubok. Ikaw ay tutulay sa isang lubid sa may malalim na
bangin. Pag ito'y nagawa mo ay ikakasal kayo ng aking mahal na prinsesa sa
pagbibilog ng buwan," ang sabi ng sultan. "Ang ikatlong pagsubok ay
kinabukasan na natin itutuloy."
Umalis si Lanao napunong-puno ng pag-asa. Nagsanay siyang
tumulay sa baging na sampayan. Ngunit lingid sa kanya ay may masama palang
balak ang sultan sa pagtulay niya sa lubid. Natunugan ito ni Minda at laki ng
kanyang pag-ibig sa binata ay gumawa siya ng paraan. Inutusan niya ang kanyang
katulong na putulin ang matibay at manipis na sinulid na nakakabit sa tulay na
tatawiran ni Lanao. Ang sinulid palang ito ay hahatakin upang malaglag sa
bangin si Lanao. Mabilis na natupad ang ipinag-utos ni Minda sa kanyang
katulong.
Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at
ang kanilang kasal ni Prinsesa Minda ay naganap. Namuno ang mag-asawa sa
kaharian ni Sultan Kumpit. Dahil sa kabaitan ay napamahal sa mga tao ang dalawa
kaya't ang malaking pulong iyon ay pinangalanang Minda-Lanao na di nagtagal ay
naging "Mindanao."
NAGING SULTAN SI PILANDOK
Ang kinagigiliwang
Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.
Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.
Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.
Pagkalipas
ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang
harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang
ang isang kumikislap na ginituang tabak.
"Hindi
ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok.
"Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni
Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang
magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan.
"Hindi
po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa
ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng
kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa
lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka
ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman ng lahat na
walang kaharian sa ilalim ng dagat."
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.
"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak." Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang hawla.
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.
"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak." Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang hawla.
"Kung
gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng
dagat," ang sabi ng sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa
inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba
ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais
silang magtungo rin doon."
Sandaling
nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang
sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang
pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang
pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat malaman ng inyong mga ministro."
"Ano
ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin
ang bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing
at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako,"
ang tugon ni Pilandok.
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.
ANG ALAMAT NG BUNDOK PINTO
Labis
na nakamamangha at napakahiwaga ang tungkol sa yungib. Ito ay pinanirahan ng
mga supernatural na nilikha tulad ng mga diwata at reyna na pinaniniwalaang
lumitaw nuong unang panahon. Sila ang pinaniniwalaang magagandang nilikha ng
diyos na may napakaraming aria-arian tulad ng iba’t ibang uri ng mga alahas.
Mayroon din silang mga bagay-bagay na yari sa tanso tulad ng mga agong (gongs),
mga kulintang, mga gandingan at iba pang mga bagay-bagay na may kaugnayan o
kabilang sa kumpletong mga instrumentong musikal na yari sa tanso.
Ang
mga sinaunang nanirahan sa nayon ay maingat na nagmatyag at malapitang
sinaksihan ang mga pambihirang gawi at mga kakatwang gawain ng mga kakaibang
naninirahan sa yungib. Napuna ng mga taga-nayon na tuwing maaliwalas na mga
gabi ay nagkakaroon ng pambihirang kasayahan sa bundok. Ang malamyos na
musikang likha ng mga instrumentong musikal ay maririnig mula sa bunganga ng
yungib.
Mapagkikilalang
ang musika ay likha ng kagamitang musikal na yagi sa tanso. Sa katahimikan ng
gabi, ang musikang nagmumula sa bundok Pinto ay nakapagdudulot ng tunay na
kasiyahan at kaligayahan sa mga naninirahan malapit sa bundok. Ang gayong
kakaiba at kamangha-manghang nakaaaliw at masasayang pangyayari ay nagtagal at
nagpatuloy ng maraming mga taon.
May
pagkakataon pang ang ilang malalakas ang loob na lalaki ay di pa nasiyahan sa
pakikinig lamang ng nakaaaliw na matamis at masarap pakinggang tugtuging
idinudulot sa mga tao ng mga supernatural na nilikha. Isang gabi, tatlong
mapangahas na lalaki ang sumubok na lumapit sa yungib ng bundok. Sila’y
dahan-dahan at tahimik na gumapang hanggang sa makarating sa pinakamainam na
lugar malapit sa bunganga ng yungib at doo’y nagkubli ng ilang sandali.
Ano
ang kanilang nakita? Sila’y buong kapanabikang nangabigla nang makita ang mga
kaibig-ibig tingnang mga nilalang na tumutugtug gamit ang mga intrumentong
musikal na yari sa magagaang kawayan na makinis ang pagkayari. Sa pinakaloob na
bahagi ng yungib, ang ibang mga reyna ay buong kasiyahang tumutugtog gamit ang
mga kulintang, agong, gandingan at iba pang mga instrumento. Nang maramdaman
nilang may mga tao sa di kalayuan, kaagad silang napatugil sa pagtugtog. Madali
nilang
nalamang may tao sa paligid dahil sa kanilang matalas na pang-amoy.
nalamang may tao sa paligid dahil sa kanilang matalas na pang-amoy.
Ang
mayuyumi, magaganda at kabigha-bighaning mga nakababatang diwata at reyna ay
biglang naglaho. Nahintakutan sila sa pagdating ng mga tatlong kalalakihan. Ang
mga nakatatandang mga diwata at reyna lamang ang nanatili roon ngunit di
kumikibo at nakamasid lamang. Naumid naman ang tatlong lalaki at di malaman ang
sasabihin ng makita nang harapan ang mga mga kabigha-bighaning nilalang.
Such a beautiful story😂😘❣️
ReplyDeleteIlovestory🥺🥰
DeleteI love the story😍😘
ReplyDeleteHahahaha thanks dito hahahah
ReplyDeletehahahha
DeleteHhh😂thank u dito
ReplyDeleteThanks
ReplyDeleteThanks po
ReplyDeleteHi Author. Ok lang ba na gamitin ang mga kwentong bayan na ito ginagawa naming modyul for education purposes?
ReplyDeleteUgh salamat Google maka search Kos akong module
ReplyDeletesalamat sa kwento
ReplyDeleteoo nga
Deletethanku
ReplyDeleteLamat Google alabyou
ReplyDeleteAuthor pwede ba gamitin Ang mga kwentong Ito para sa aming Gawain sa Filipino???
ReplyDeleteAno ang awnswer
DeleteSalamat
ReplyDeletePara sa mudule ko
ReplyDeleteHAHAHA too kailangan q to para sa module ko din HAHA
DeleteHalimbawa
DeleteThanks ☺️☺️
ReplyDeleteThank you
ReplyDeletethank you😊☺
ReplyDeleteMali po Yan
ReplyDeleteIto Tama tamaan mo si bato
ReplyDeleteThank you po!
ReplyDeletesino nag may adka ng alamat ng mindanao?
ReplyDeleteIt was nice HAHA
ReplyDeleteIt was nice
ReplyDeleteThanks po , kailangan kopo kasi, and now goodjob poww
ReplyDeletesinong author po ng alamat na ito
ReplyDeleteThanks you po
ReplyDelete